United States or Mongolia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang dalauang dacot na culutan didicdiquin nang sumandaling oras calauon bago ilaga sa isang tagayang tubig; pagca laga,i, sasalain at sasamahan ang tubig nang timbang pisong pulot. Nota. Mayroong tauo na hindi manabi, sumpitin man nang may culutan, cundi sumpitin nang tubig na malacuco lamang. Masama namang isumpit sa tauo ang mainit, cundi malacuco cailan man ang isusumpit doon. Nota.
N~guni ang maiguing isumpit doon ay ang sabao nang sisiu na ualang asin, ó atoleng canin na sinamahan nang dalauang pula nang itlog at caunting azúcar. Ang casucatang isumpit doon, touin susumpitin ang babaying buntis ay calahating tagayan carami; at cun hindi nauauala ang casaman nang caniyang pagcaramdam, ay purgahin n~g maná ó cañafistula para nang uica co sa itaas.
Ang minsang sumpitin ang tauo ay magaling pa sa inomin niya ang apat na gayón tubig; caya sucat pagpilitang gauin sa maysaquit itong ganitong pagsumpit, palibhasa,i, nacacaguinhaua sa caniya; houag lamang gauin cun pinapauisan. Sa librong ito ay sasabihin co, cun anong magaling isumpit sa baua,t, isang saquit.