United States or Guinea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul. ¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic? ¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro! Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago.
¿Inyo bang nakita na ang aking búlic? ang tanóng ni capitang Basilio at saca tinawag ang isang táong may dalang isang maliit na sasabun~gin. ¿Gaano po ba ang ipupusta ninyó? ang tanóng. Cung gaano ang inyóng ipusta. ¿Dalawá at limang daan? ¿Tatló? ¡Tatló! ¡Sa susunod!
¿Natalo po ba cayó cagabi? Caunti; nalalaman cong nanalo cayó ... titingnan co cung macababawi acó. ¿Ibig po ba ninyóng isabong ang lásac? ang tanong ni capitang Basilio, na tinitingnan ang manóc, at saca hinin~gi itó sa alila. Alinsunod, sacali't may pustahan. Gaano po ba ang ipupusta ninyó. Cung magcuculang din lamang sa dalawa'y hindi co na isasabong.
Salita Ng Araw