United States or Lesotho ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Inyo bang nakita na ang aking búlic? ang tanóng ni capitang Basilio at saca tinawag ang isang táong may dalang isang maliit na sasabun~gin. ¿Gaano po ba ang ipupusta ninyó? ang tanóng. Cung gaano ang inyóng ipusta. ¿Dalawá at limang daan? ¿Tatló? ¡Tatló! ¡Sa susunod!
Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul. ¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic? ¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro! Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago.