United States or Tanzania ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Natalo po ba cayó cagabi? Caunti; nalalaman cong nanalo cayó ... titingnan co cung macababawi acó. ¿Ibig po ba ninyóng isabong ang lásac? ang tanong ni capitang Basilio, na tinitingnan ang manóc, at saca hinin~gi itó sa alila. Alinsunod, sacali't may pustahan. Gaano po ba ang ipupusta ninyó. Cung magcuculang din lamang sa dalawa'y hindi co na isasabong.
Hindi co po na lalaman; may dumating po sa canyang dalawa caninang umaga, ang isa sa canila'y ang lasac na tumalo sa talisayin n~g Consul. ¿Sa acala mo caya'y mailalaban sa canya ang aking si bulic? ¡Aba, nacú, mailalaban po! ¡Ipupusta co po sa inyong manoc ang aking bahay at ang aking baro! Dumarating sa sandaling iyon si capitang Tiago.
Ang pananamit ay tulad sa m~ga malalacas na magsasabong: barong lieszong Caatóng, salawal na lana at sombrerong jipijapa. Sumusunod sa canyá ang dalawang alila; dala n~g isa ang lasac at ang isa nama'y isang puting sasabun~ging totoong pagcalakilaki. ¡Ang sabi sa akin ni Sinang ay pagaling na n~g pagaling si María! ani capitang Basilio. Wala n~g lagnát, datapuwa't mahina pa.