United States or El Salvador ? Vote for the TOP Country of the Week !
Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si Semel. Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.
Agad akong nakarinig ng yabag sa daan; may dumarating na isang tao; may dalang mga bota at nagsasalitang ang mga ngipin ay nagngangalit. Nuon ako nakakitang una ng mukha ng taong may kamatayan, at kung sa bagay na ako'y tao na rin ay natakot pa rin sa mukhang yaon, Inilingon ko ang aking ulo at aking narinig, na nagsasalitang laban sa akin. Paanong pakakanin ko ang aking asawa at, aking mga anak?