United States or Hungary ? Vote for the TOP Country of the Week !
Hala, aniya, huwag ka nang magbadya pa ng anuman; magbihis ka; madali ka; hala, dali-daliin mo ... Tinagnan ni Semel sa bisig yaong di niya kilala, ibinangon, itinayo, saka minasdan ang kanyang katawang maganda. Maputi at pati nga ng kanyang kaayaayang mukha. Ipinatong ni Semel sa mga balikat ang sako; nguni't di matumpakan ng lalaki ang pag-susuot ng manggas.
Ako'y nanaog upang bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako kahi't sako at may dala pa akong isang taong hubad. Di nga ako katutuwaan ni Matrena. Si Matrena, ay ang kanyang asawa.
Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at minasdan si Semel. Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota; kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.