United States or Costa Rica ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Amá! pagcalooban mo ang anác cong sinta, amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa magulang niya. Mulit muling taghoy na inihihibic sa Dios na Amá na Hari sa Lan~git, cahimanauari ang anác cong ibig bigyan nang liuanag carunun~ga,t, bait.
Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan sa m~ga barcada batang caramihan, ay hindi calaró uala,t, cung nasaan loob co,i, agad na na malulupaypay. Babalic na acong puputóc ang dibdib sa di pagcamalas sa anác tang ibig, sa daluang matá co luha,i, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic.
Lumalacad aco,i, piquít ang capara ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya, pan~gahás cong isip doon umaasa sa pa-honrang lin~gap nang m~ga bihasa. Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip lathala nang verso,i, ayos sa matouid, sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis anyayang pa-honra ay inihihibic.