United States or Cuba ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan sa m~ga barcada batang caramihan, ay hindi calaró uala,t, cung nasaan loob co,i, agad na na malulupaypay. Babalic na acong puputóc ang dibdib sa di pagcamalas sa anác tang ibig, sa daluang matá co luha,i, nabalisbis sa iyo esposo ay inihihibic.
Sumasagót siya luha,i, nabalisbis sa daluang matá perlas ang cauan~gis, nagulumihanan ang puso co,t, dibdib n~g oras na yao,i, nagdilim ang isip. Nang aquing malining pauang maunaua ang sa iyong ináng m~ga sabi,t, uica, sa daluang matá co,i, umagos ang luha sa laquing hinayang sa anác cong mutyá.
Misterio nang Dios na sucat pagtac-han princesa Leonila,i, nag laman ang tiyan, ang loob at puso ay di mapalagay sa dagsang sacuna na cahambal hambal. Puso,i, nalugami at tatan~gis-tan~gis sa dalauang matá luha,i, nabalisbis, ang loob ay guló puputoc ang dibdib sa di maulatang signos na sinapit.