United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !
Cong sa bigláng tin~gi,i, bubót at masacláp palibhasa,i, hilao at mura ang balát ngunit cung namnamín ang sa lamáng lasáp masasarapán din ang babasang pantás. Di co hinihin~ging pacamahalín mo, tauana,t, dustaín ang abáng tulâ co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyó ay houag mo lamang baguhin ang verso .
Lumalacad aco,i, piquít ang capara ang landás na daa,i, hindi tanto,t, taya, pan~gahás cong isip doon umaasa sa pa-honrang lin~gap nang m~ga bihasa. Pinagsisiyá na nang bait co,t, isip lathala nang verso,i, ayos sa matouid, sa man~ga bihasa,i, culang din at lihis anyayang pa-honra ay inihihibic.
At pinasimulan yaong pagdarasal nang sa Dios bagang man~ga capurihan, sa dasal na verso'y nang dumating naman may voces nang ibong siya'y napakingan. Na ang uica'y tunay na narin~gig ca na nang pagdalan~gin mo sa Dios na Amá, gayon man ay di rin tumitiguil siya hangang sa dumating sa verso pang iba.