United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
¿Cundi ca mag silbi,t, mag lingcod sa amin ano caya bagang iyong mararating? búhay ang puhunan n~g iná mong guilio saca n~gayo,i, di mo siya gagantihin. Tunghay ang muc-ha mo,t, matá ay isulyáp sagutin mo aco nang nasa mo,t, han~gad, ang hiya at tacot siyang nag-aalab caya di mangyaring bibig ay mabigcas.
¡Oh Dios na Hari,t, Pan~ginoong Amá! pagcalooban mo ang anác cong sinta, amponin mo rin po,t, hulugan nang gracia matutong mag silbi sa magulang niya. Mulit muling taghoy na inihihibic sa Dios na Amá na Hari sa Lan~git, cahimanauari ang anác cong ibig bigyan nang liuanag carunun~ga,t, bait.