United States or Haiti ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kaya bago nanaog si Leoning sa kinalululanang karumata ay pinagsuri muna niya ang tiyak na pintuang pinasukan at kanya namang sinabi sa kotsero na ihinto na at huwag nang malapit pa sa inibisan ng sinusundan at baka ang paglunsad niya ay makita pa ni Leonora. Walang malay na Leonora na matapang pa rin ang kalooban at hindi man lamang sumagi sa gunita ang asawa na siya pala ay lihim na sinundan.
Tuloytuloy agad na wala nang maraming lingonglikod pa. Kaya nang matiyak ni Daniel ang pintuang pinasukan ng kanyang asawa ay malayolayo pa ay ipinahinto na niya ang sasakyan at siya ay lumapag agad. Nilakad na lamang niya ng kaunting pagitan ng kanyang inibisan at saka ang tahanang pinanhikan ng taksil na asawa. Ano nga naman ang tahanang yaon?