United States or Solomon Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
Gayon ma'y nagpakatimpitimpi na lamang at hindi na umimik, kundi nang mapilitang imungkahi ang ganito: Totoo na akong nanghihimagal; kung tayahin ko'y sumasama pa ang aking katawan, ¿hindi kaya magiging pan~git sa inyo, Tirso, kung magpauwi na muna tayo n~g hindi pa natatapos ang kasayahang sinadya natin dito? Hindi, Dioni, ang panabay na sambot n~g dalawa; tayna, kung ibig mo na.
Kung gayo'y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng isang Escuela de Derecho sa loób ng Hospicio de San Jose para sa mga nakukulóng doón, na kahi't nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng usáp!... Oh, magsipagtahan kayó mga úlong marurupok! Hindî pa ninyó batíd yaong mga palásak na kasabihang: "Ang pantas ay walang kibo" alalaong baga'y hindì daldalero ni daldalera.
Nang sa wakás ay imungkáhì ni Gerardo ang paghingi kay Kápitang Memò na magbitiw ng tungkól, lahát ng nangaróon ay kumatig sa kanya; lahat, hanggáng ang mga dating kapanalig ni Kápitang Memò, ay naniwalang sila'y nálinlang. Gayón na lang ang kanilang pagsisísi! Nang matápos ang papúlong, si Gerardo ay nilapítan ng isang pulís. "Ipinatatáwag pô kayó ng presidente". "Saan siya nároon?"