United States or New Zealand ? Vote for the TOP Country of the Week !
Kung gayo'y dapat manding imungkahì sa pamahaláan, na magtatág ng isang Escuela de Derecho sa loób ng Hospicio de San Jose para sa mga nakukulóng doón, na kahi't nagiisa ay... ¡usáp pa rin ng usáp!... Oh, magsipagtahan kayó mga úlong marurupok! Hindî pa ninyó batíd yaong mga palásak na kasabihang: "Ang pantas ay walang kibo" alalaong baga'y hindì daldalero ni daldalera.
Dápwa't umúrong sa panganib ay ugalì lang ng mga pusong marurupók, hindî ng mga gaya niyáng walâng tákot na kinikilala kundî ang tákot sa kaniláng Diyós at Báyan; hindî ng mga "Mapagbiróng lagì sa tampó ng buhay "Mapaglarô kahi't sa labì ng hukay." Ang gabí noón ay sakdal ng dilim. Sa maulap at masungit na langit, ay walâ ni isa mang bituin.