United States or Ireland ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bucod pa sa rito,i, cun caya gayon ang ipinag-uutos nang santa Iglesia sapagca,t, ito,i, utos din naman nang Dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa Iglesia, at mauala man ang =listahan= nang man~ga librong baual na, at cahit di nagcaroon nang man~ga utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang man~ga gayong librong masasama . At sa catunaya,i, magsabi ca sa aquin: ¿di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang Dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan?
Ay ano ¿di caya baga lalong mabigat na casalanan ang cumain nang lasong icatatapus nang buhay nang atin caloloua, na icamamatay baga niya dahil sa pagcauala sa caniya nang pananampalataya?