United States or India ? Vote for the TOP Country of the Week !


N~guni,t, palibhasa,i, hindi mangyayaring mabalitaan nila,t, maquita ang lahat na man~ga masasamang librong ipinagcacalat sa sangcacristianohan; na caya,t, di naman mangyayaring matan~ging maipagbaual na lahat; at sa cabila nama,i, cun itulot na basahin hangan di tan~ging ipagbaual ang man~ga gayong libro,i, macasasamang lubha sa man~ga caloloua; dahil dito,i, ang santa Iglesia, ang man~ga nasabing Puno baga nang santa Iglesia, upang mahadlan~gan hangan macacayanan din lamang, ang gayong man~ga calaguim-laguim na capahamacan, ay mayroong ibinigay sa atin nang man~ga utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga libro, na, cun di pa tan~ging ipinagbaual, ay dapat nating parahing baual ; at cun sacali,t, basahin ay ipagcacasala natin nang casalanang daquila, na para rin cun basahin ang tan~gi nang ipinagbaual.

Bucod pa sa rito,i, cun caya gayon ang ipinag-uutos nang santa Iglesia sapagca,t, ito,i, utos din naman nang Dios, na turo sa atin nang catutubo nating bait; na cahit di ipagbaual nang santa Iglesia, at mauala man ang =listahan= nang man~ga librong baual na, at cahit di nagcaroon nang man~ga utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga masasamang libro, ay nagtuturo sa atin ang catutubo nating bait na di dapat basahin ang man~ga gayong librong masasama . At sa catunaya,i, magsabi ca sa aquin: ¿di caya baga mabigat na casalanang laban sa icalimang utos nang Dios ang cumain cun uminum caya nang lasong icatatapus nang sariling buhay, at icamamatay nang ating catauan?

Sapagca,t, maniuala cayo,t, dili, ay uuliting cong sabihin ang sinabi co nang madalas: Ay nagcacasala nang daquilang casalanan ang sino mang cristiano, na baga ma,t, natatalastas niyang =baual=, ó dapat man lamang ipagbaual, ay bumabasa nang man~ga tampalasang libro.

Capag banta mong bumili cun bumasa nang anomang libro, munti ma,t, malaqui man, nang diariong may man~ga lamina,t, uala, nang auit man, tula man, maguing limbag maguing sulat camay, ay bago mong bilhin ó basahin ay dapat mong usisain muna cun baual, cun dili caya; ó cun dapat maguing baual sapagca,t, masama . Ang pag-uusisa nito,i, nacacailan~gang siyasatin mo cun ang librong bibilhin ó babasahin ay natatamaan nang alin man sa man~ga pitong utos na paraang pagcacaquilanlan nang man~ga librong dapat na ipagbaual, na =baual= na talaga; at ang lalong maigui sa lahat ay magtanong ca sa Confesor, cun sa Cura caya, cun sa canino mang banal na sacerdote; at ang paraan na ito,i, lalong magaling, sapagca,t, malalayo ca sa pan~ganib nang pagcacamali.

Salita Ng Araw

matitimbuang

Ang iba ay Naghahanap