United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
¡Ah! ang canilang loob ay hindi matuturin~gan hangan sa di naipamamalas sa gawa, pagcat cung aking pakimatyagan baga man sa harapang ito ay nagcacatusac ang nakikipagdiwang sa mabunying Rizal, may man~gilan n~gilan ding binabayo ang dibdib sa matinding pag cagalit na hindi lamang maibulalas pagcat daig sila sa bilang ¡oh cay saclap na matalos!
Mabuti'y makipagkita ako sa kanya, at sa harapang paguusap nami'y saka ko siya tutugunin n~g nararapat, ang tapos ni Tirso sa kanyang magulong pagninilay. Makailang saglit ay may tumawag kay Tirso, at ipinagbigay alam na sa telepono n~g botikang nasa silong n~g gusaling kanyang tinitirha'y mayroong naghinintay na ibig makipagusap sa kanya. Nagdudumali siyang nanaog.