United States or Tokelau ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ay ano'i, nang maguising na ang haring Salermo bagá, sa lamesa ay naquita ang frasco'i, naroon na. Quinuha na at tiningnan ang caniyang calaruan, hustong hindi nagcuculang ang negritong pinaualán. Hindi na cumibó siya pinaram sa ala-ala, mayroon pa acong ibang iúutos sa caniya. Anó'i, nang quinabucasan ipinataúag si don Juan, naparoo't, di sumuay sa haring Salermong mahal.

Ang frasco'i, dalhin mo bagá sa dagat quita'i, tumugpá. yao nanga't, lumacad na dalauang magcasi't, sintá. Lumusong silang nagsabay at ang frasco'i, iniumang, saca niya tinauagan ang negritong calahatán. Balang mahulí sa inyo nang pagpasoc nga sa frasco, cahit na sa tubig cayó masisilab sa galit co. Sa negritong marinig na voces ni doña María, ay nangag-unahán sila pagpasoc sa frascong sadyá.

Ang frasco'i, ibinigay na cay don Juan nang monarca, at sa palacio'i, nanhic na saca tambing nagpahinga. Ay ano'i, nang magabi na oras nang Ave María, dumating na capagdaca ang mariquit na princesa. Tinanong na si don Juan ni doña Maríang hirang, na cun anóng cautusán nang haring caniyang magulang.

Uica ni doña María itiguil iyang música, at sacá tatanóng bagá sa negrito ang negrita. Niyóng icao'i pag-utusan nang hari niyang magulang, na sa dagat ay paualán ang caniyang calaruan. Labing-dalauang negrito ang nasisilíd sa frasco, sabihin mo sa harap co cun sinong humuli nito. Dili si doña María na iyong casama-saíma, at ang frasco'i, hauac niya may ilao ca namang dalá.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap