United States or Mali ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang pag-iilaguin na ualang casamang lagnat, ó saquit na malaqui nang tiyan ay pinan~gan~galan nang castilang diarrea. Ang maysaquit ay nananab-ang muna nang pagcain: ang caniyang bay-auang pati nang tuhod, ay idinaraying na mabig-at. Hindi siya nalalagnat at hindi sungmasaquit na totoo ang tiyan.
Ang lahat na sinaysay dito sa número 375, ay turo ang lahat nang marunong na Doctor D. Joaquin Gonzalez; at sa m~ga guinamot n~g paaniyo, ayon sa man~ga ipinagbilin dito, noong epidemiang nacaraan sa 1882, ay bihirang-bihira ang namatay. Ang saquit na pag-iilaguin, cun hindi sungmasamang totoo ang damdam nang may catuan na pinan~gang~anlan nang castilang diarrea.