United States or Morocco ? Vote for the TOP Country of the Week !
Anang ermitaño naman sabihin mo't, iyong turan, ang pinagmulán mong lugar at nang aquing maalaman. Sagót nang águila't, sulit ermitañong sacdal diquit, pinangalingang cong tiquís ang reinong del los Cristales. Caninang umaga lamang aco ay nag-aalmusál, sa isang peras na mahal na ang lasa'i, malinamnám.
Sa dibdib ay inilagay capirasong barong mahal, at sacá tinanong naman ang príncipeng si don Juan. Ano ang sadyá mo bagá at cusang naparito ca, anang príncipe at badyá ganitó po'i, maquinig ca. Ani don Juan at sulit ermitañong sacdal diquit, ang hanap co pong mapilit ang reinong de los Cristales. Ang sagót nang ermitaño Jesús na Panginoon co, limang daang taón aco nang pagcatahán co rito.
Salita Ng Araw