United States or Nicaragua ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang nagcacasaquit nang gayón, cun minsan ay masamang sangrahan. Ang gagauin sa natutuyo ang catauan, na yao,i, pínan~gan~ganlang consunción nang castila. Nota 3. Bagaybagay ang pinagmumulan nang pagcatuyo nang catauan nang tauo, na yao,i, aquing sasaysayin n~gayon. Ang sibol sa baga, cun minsan siya ang pinangagalin~gan nitong saquit, ayon sa uica co na sa párrafo 48.
Caya cailan~gang mag-in~gat ang tauo, at pagca mayroon siyang naramdamang saquit para nang man~ga sinabi co sa itaas, ay cailan~gang siyang magpagamot na madali; maca cun pabayaan ang saquit sa catauan, ang sumunod doon sa gayón ay ang pagcatuyo nang catauan niya. Ang nagcacasaquit nang consunción ó ang natutuyo ang catauan ay nag-uubo muna nang ilang bouan calauon.