United States or Kyrgyzstan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Muling tumunóg ang música: tumutugtog si Iday n~g arpa, at ang m~ga lalakí namá'y m~ga acordeón at m~ga guitarra, na humiguit cumúlang ang "afinación;" datapuwa't si Albino ang magaling tumugtóg sa lahát, sa pagca't tunay na kinacamot ang guitarra, nagcuculang sa "tono" at mayatmaya'y sumisinsay sa compás, at caguinsaguisa'y nacalilimot, caya't lumilipat sa sonatang ibang ibá sa dating tinútugtog.
Siya'y naglulucsó, naggagalaw, ibig niyang sa gayóng gawa'y gagarin siyá ni Sisa. Naririnig sa dacong malayo ang música n~g procesióng tumutugtog n~g isáng marchang malungcót at dakila, datapuwa't naglulucso ang guinoong babae n~g catacot tacot na ang sinusunod ay ibang compás, ibang música ang tumútunog sa loob n~g canyáng budhi.
Salita Ng Araw