United States or Denmark ? Vote for the TOP Country of the Week !


Natatanaw buhat sa daan, sa m~ga bintanang bucás, ang hindî naglilicat na pagpaparoo't parito n~g m~ga tao sa m~ga bahay, sa guitnâ n~g caliwanagan n~g m~ga ílaw at halimuyac n~g m~ga bulaclac, sa caayaayang tínig n~g piano, arpa ú orquesta. Nan~gaglalacaran sa m~ga daan ang m~ga insíc, m~ga castila, m~ga filipinong may suot europeo ó suot tagalog.

M~ga azúl daw ang canilang m~ga mata at ang canilang m~ga buhóc; na sila'y may m~ga pútong na coronang halaman sa tubig na may m~ga bulaclac na mapuputi't mapupula; manacanacâ raw ipinamamalas n~g m~ga bulâ ang canilang parang linalic na catawang higuit sa bulâ ang caputian at cung ganap n~g gabi'y canilang pinasisimulaan ang canilang m~ga calugodlugod na paglalarô, at canilang ipinarírinig ang m~ga tinig na talinghagang tulad sa m~ga arpa sa lan~git; sa bihanan din namang ...; n~guni't pagbalican natin ang ating m~ga kinabataan pakinggan natin ang wacas n~g canilang salitaan.

Upang liban~gin ang cainipán n~g m~ga nagmímithing makita cung paano lálabas sa canilang bilangguan ang m~ga isdang buháy at nan~gaggagalawan, kinuha n~g magandang si Iday ang canyang arpa. Hindî lamang mainam tumugtóg si Iday n~g instrumentong itó, cung hindî bucod sa rito'y may magagandang dalírì.

Hindî na siya napapamanhic; tinangnan ang arpa, tumugtóg n~g isáng "preludio" ó pán~gunahin at cumantang ang voces ay mataguinting, calugodlugod nat agad ang damdamin: ¡Sa sariling Báya'y cátamistamisan Ang lahát n~g horas na nan~gagdaraan, Palibhás

Natápos ang voces, humintô, napipí ang arpa, at gayon ma'y nagsisipanatili sa pakikiníg; sino ma'y waláng pumalacpác. Naramdaman n~g m~ga dalagang napúpúno n~g lúh

Pagdatíng nilá sa pasígan, hindî sinásadyá'y tumácas sa m~ga lábi n~g m~ga babae ang m~ga sigáw n~g pagtatacá at catowâan. Doo'y caniláng nakita ang dalawáng bangcáng nagcacácabit, na mainam ang pagcacágayac n~g m~ga pinagtuhóg-túhog na m~ga bulaclác at m~ga dahon, casama n~g m~ga sarisaring cúlay na m~ga damít na pinacumbô: nacasabit sa bagong lagáy na bubóng n~g sasacyáng iyón ang m~ga maliliit na farol na papel, na may m~ga casal-ít na m~ga rosas at m~ga clavel, m~ga bun~gang halamang gáya n~g pinyá, casúy, saguing, bayabas, lanzones at ibá pa. Dinalá roón ni Ibarra ang canyáng alfombra, m~ga maririkit na panábing at m~ga cogín at ang lahát n~g itó'y siyáng guinawang upuang maguinháwa n~g m~ga babae. Napapamutihan din ang m~ga tikín at m~ga sagwán. Sa isáng bangcáng lalong marikit ang pagcacágayac ay may isáng arpa, m~ga guitarra, m~ga acordeón at isáng sun~gay n~g calabaw; sa isáng bangcâ nama'y nagninin~gas ang m~ga caláng lúp

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap