United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa pagca't hindi aco nacasumpong, cahi't aking pinaghanap, ang bahagyang labi man lamang n~g mag-anac na may cagagawan n~g casawiang palad naming mag-anac, minagaling co ang iwan ang lalawigang aking tinatahanan upang tumun~go sa dacong timugan at makisama sa m~ga pulutong n~g m~ga hindi binyagan at nabubuhay n~g boong kalayaan: ¿ibig po ba ninyong lisanin ang bagong pinasisimul-an ninyong pamumuhay at sumama sa akin?
Elías, ang muling sinabi ni Ibarra; nanggaling ang inyóng casawîang pálad sa aking familia, iniligtas ninyóng macaalawa ang aking búhay, at hindi lamang may malaking utang na loob acó sa inyó, cung di namán cautan~gán co rin sa inyó ang pagsasauli n~g inyóng cayamanan, at yayamang gayó'y sumama cayó sa akin at magsama tayong parang magcapatid. Dito'y sawi rin cayóng capalaran.
Pinagpipitagan co ang inyóng pighati, ang muling sinabi ni Elías, at napagwawari co ang inyong panghihiganti; acó nama'y gaya rin ninyo, at gayón man, sa aking pan~gan~ganib na baca aking masugatan ang waláng malay, lalong minamagaling co pa ang calimutan co ang aking m~ga casawiang palad.
Salita Ng Araw