United States or Micronesia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di n~ga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao n~g tanang kinapal, at ang bayang pilipino, cung bagá ma't di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang gasinong carunun~gan datapua't paraparang may sacdal na damdamin, mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan.
Sa lahat n~g m~ga nagsidaló sa pulong na iyo'y si G. Andrés Bonifacio ang carukharukhaan; ang m~ga casamahan niya'y m~ga nacacacaya sa buhay; halos ang lahát ay may sariling pag-aarì at marami ang m~ga marurunong; datapwa't si Bonifacio'y isáng abáng "bodero" n~g bahay-calacal ni na guinoong Fressell at m~ga casamahang pawang dî tagarito, at bábahagy