United States or Uzbekistan ? Vote for the TOP Country of the Week !
Di n~ga caila na sa asal nakikintal ang pagcatao n~g tanang kinapal, at ang bayang pilipino, cung bagá ma't di siyang pinacasacdal ay di naman siyang pinacahamac. Marahil ay walang gasinong carunun~gan datapua't paraparang may sacdal na damdamin, mapagpatuloy sa walang matuluyan, mapagbiyaya sa mahirap, at ito'y namamalas natin mula sa cayamanyamanan hangang sa carukharukhaan.
Bucod sa lalong m~ga casakitsákit na m~ga pag-alimura cay Rizal at m~ga pagpaparatang n~g m~ga gawang hindî man lamang napapanaguinip n~g ating capatid na Martir, ay idinugtong pa ni párì Font ang ganitong m~ga salitâ: "ANG TANGING HANGAD ni Rizal ANG CASARINLAN NG LUPAING ITO, at ang adhica niya'y iwalat ang mahal na catibayan n~g Bayang sarili , niyang Bayang sariling sa canya'y nagbigay n~g pagcatáo, na sa canya'y nag-arúg