United States or San Marino ? Vote for the TOP Country of the Week !


Ipinalagay ca niyong Poong Dios na sa cagalin~gang gaua ay mauulos, n~g cay Carlomagnong sulat ay matalos ang luha sa matá pagdaca'y umanod. Sapagca't ang Santo Sepulcrong mahal ay nasa sa camay n~g hindi binyagan, nang oras ding yaon ay nag-utos naman doon sa cay Turping Arzobispong hirang.

Ang uica ni Turping Arzobispong banal na cay Carlomagnong laguing caalacbay, ang siyang sumulat niyong casaysayan n~g cay Carlomagnong laki't cataasan. Catauan ay timbang at ayos na ayos na cung pagmalasin ay nacalulugod ang laki at taas at bayaning kilos mamamangha cahit sino mang manood.

Saca yaong ulo ni S. Pantaleon tanda nang pag-ibig niyang mahinahon, saca cay Carlomagno, mula nang manoynoy ang magandang gauang sa Dios ay ucol. Nang cay Carlomagnong regalo'y matangap malaki ang toua at pasasalamat, sampon nang nagdala'y lubos na linin~gap at minahal niya nang sa puso'y tapat.

Ang takip nang Cofre ay nang maibucas ang samyo nang ban~go ay humalimuyac. na nagbigay aliw sa tanang caharap asa nilang na sa Paraisong lahat. Noo'y natiguib nang pagsampalataya ang cay Carlomagnong puso't caloloua, siya ay lumuhod na caracaraca na namamalisbis ang luha sa matá.

Na sila'y humin~gi nang araw na taning na malaon-laon n~guni't di pinansin, niyong man~ga turco, caya n~ga't uala ring makitang paraang huag mahilahil. Gayon ma'y sa aua nang Dios na Amá at sa tulong nang mahal na gracia niya, nasoc sa canilang man~ga ala-ala ang cay Carlomagnong loob na maganda.

Man~ga loob nila'y lubos na namanglaw nang sila'y gabihin sa nasabing parang, sa di pagcataho nang pagdaraanan dahil sa nangyari nilang na pagcapaligaw. Sa cay Carlomagnong ipinatugtog na ang guinbal, na tanda nang pagpapahin~ga, at ipinag-utos na lumagay sila sa libis ó ban~gi't magbantay ang iba.