United States or Jamaica ? Vote for the TOP Country of the Week !


Anác n~g dakila na si Herlin Cesar sa man~ga romanong bilang caauaan. Haring si Pepino Anác ay dalaua na si Carlomagno ang pan~ganay niya, at ang icalaua'y Princesa Lamberta na sulang maningning n~g Amá at Iná. Niyong tumanda na ang Haring Pepino nahalili naman ay si Carlomagno, siya n~ga ang naguing kilabot n~g turco at sa catapan~ga'y nabantog sa Mundo.

Tanang cautusa'y nang mairaos na ay humirang naman nang labindalaua, na man~ga guinoo at iniatas niyang ilual sa Cofre ang tanang Reliquia. Yaong Emperador Carlomagno naman ay sa Arzobispo siya'y nagcumpisal, at tuloy rin namang siya'y nakinabang ayon sa Iglesiang man~ga cautusan.

Na ang carikita'y caguilaguilalas uica'y Constantino'y ang laguing pagtauag, at iyong pagsamo sa Dios na uagas na icaw ay bigyan nang tapang at lacas. Sa cuhilang turco n~g pakikilaban na doon sa tierra Santa'y nagtatan~gan, sa iyong malaking nasa'y cailan~gan na si Carlomagno ay macaalacbay.

Si Carlomagno rin nama'y nag-asaua doon sa Princesa na si Verenisa, Anác nang guinoong Orondatis bagá na isang dakilang taga Capadocia. At si Carlomagno'y nag-anác nang anim tatlo ang babaye't lalaki tatlo rin, ang man~ga pan~gala'y na inyong malining ay isa-isa co na sa salaysayin.

Nang macapagpaui na sila nang pagal sa bunying Patriarca ay nagpapaalam, binibigyan sila niyong cagantihan guinto't pilac sampong batong bagay-bagay. Bunying Emperador na si Carlomagno at gayon din yaong Haring Constantino, ay hindi tumangap nang handog na ito niyong Patriarcang humin~ging saclolo.

Ang Hari't ang Reyna'y nagcaisang tunay nang canilang taglay na caugalian, at cung mag-utos man sila'y malumanay sa lahat nang campong nan~gasasacupan. Mulang yaong Francia ay maguing cristiano ay naguing kilabot niyong man~ga moro, at cusang natanyag ang pagca-guerrero lalo nang mag Hari ay si Carlomagno.

Iguinalang nan~ga ang man~ga catauan niyong man~ga Santong sa Dios na hirang, at ipinalagay doon sa Simbahan at maraming taong nag-devocion naman. Si Carlomagno n~ga'y mulang putun~gan siya niyong corona Imperial sa Roma, noo'y linooban naman ang Patriarca sa Jerusalem nang man~ga turco baga.