United States or Macao ? Vote for the TOP Country of the Week !
Itong gamot na ito,i, nacacapagpalabas nang man~ga maruruming bagay na nan~gabuloc sa loob nang catauan, pati nang bulati na marahil sumipot sa saquit na ito ay yaon cun minsan ang dahilan nang man~ga inaasal nang maysaquit. Cun baga ang balat nang maysaquit ay tuyo dahilan sa calimitan nang pag-iilaguin, ang ipaiinom doon hindi ruibarbo, cundi ang bilin sa número 39 timbang saicaualong mahiguit.
Ang pinagmumul-an nitong saquit na ito ay ang han~ging malamig na casama nang ulan, ang pagbasa, ang pagtin~gin nang malauon sa maputi, ang pagcapuyat, ang pagsulat, ang pananahi, ang pagdurugtong nang abacá cun gab-i, ang biglang pag-urong nang pauis, ang pag-inom nang alac na marami, ang mahabang pag-ulan, ang calimitan nang pag-gaua nang mahalay, at ang pagtahan sa man~ga mababang lupa.