United States or Thailand ? Vote for the TOP Country of the Week !
At yayamang icao, Santo,t, Ama cong minamahal, ay naguing arao na nagpaunaua at nagpaliuanag sa boong sang mundo nang calalim-lalimang misterio nang Santísima Trinidad doon sa labing limang guinaua mong libro; at ang puso mo,i, naguing carurucan nang Trinidad na casanto-santosan, ayon sa ipinapahayag nang angel cay san Sigisberto, ay saan di aamini,t, ipagcacaloob ang anomang iyong dalan~ginin.
Alang-alang doon sa carunun~gan mong lalong lalo sa carunun~gang tauo, na ipinag paliuanag nang Pan~ginoong Dios sa iyong calalim-lalimang bait, at binungcal ang man~ga cayamanan sa santong Sulat, at ipinaunaua ang man~ga lihim at matataas na misterio nang santong Pananampalataya natin, sampon nang man~ga lalong malalalim at marilim sa mahal na Teología, at nang sa iyo parang bucal na namamarating malinao at malalim ay magmulang umagos at umanod ang man~ga ilog nang totoo,t, tiuasay na aral sa Lan~git na idirilig at ipagpapalago sa man~ga halaman nang santa Iglesia.