United States or Vietnam ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y sapat nang bumihis sa pusong naluha, ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y makaliligaya sa m~ga kawawa. Si José Vendido'y subukang buhayi't sa diwatang ito'y pilit na gigiliw, paano'y may gandang batis n~g tulain, paano'y may yuming aklat n~g damdamin.
Yamang sumikat na sa puso ko't isip ang kaliwanagang bumihis sa hapis, ay masasabi kong ang aking pagibig ay handang lumagak sa pananahimik. Magmula sa n~gayon, kita'y igagalang sa n~galan n~g ating pagkakapatiran, kinikilala ko itong kamalian na siyang naglagpak sa aking pan~galan.
Salita Ng Araw