United States or Croatia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang matáng katalo n~g mayuming tala'y sapat nang bumihis sa pusong naluha, ang n~giting animo'y kaban n~g biyaya'y makaliligaya sa m~ga kawawa. Si José Vendido'y subukang buhayi't sa diwatang ito'y pilit na gigiliw, paano'y may gandang batis n~g tulain, paano'y may yuming aklat n~g damdamin.
Tahimik na lan~git na nan~gan~ganinag ang lamang biyayang tugon sa pan~garap, m~ga kayamanang hindi matitinag, sampagang sa ban~go'y tulang walang kupas, talang nagsasayang may mayuming sinag, aklat na talaan n~g aliw n~g palad, dahon n~g kaluping yaong nasusulat ay kadakilaan n~g damdaming in~gat.
Ang hapong malamlam ay naging tadhana n~g bagong panahon sa aklat n~g diwa, ang gabing madilim na di nagsasawa sa pagmamaramot sa m~ga biyaya ay naging umagang sa aking akala'y batbat n~g bulaklak na lubhang sagana, ang buwang mayuming ayaw magmagara ay naging dalagang kaagáw n~g tala.