United States or Benin ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta dito na minulán na hinipan baga casabáy ang ayos nang man~ga música sa tinig nang marcha ang pagcacabadyá. Dito na quinuha ang na sa Capilla apat na taan na namamatáy bagá, ang man~ga sundalo nagbihis de gala saca n~ga barilán na may bayoneta.
Nang mag á las seis ang lahat n~g caual nang man~ga castila cusang pinatahán sa Santa Lucía n~ga at sa Bagumbayan na pauang barilán at may cañóng tagláy. Sacá sa muralla nang Fuerza Santiago ang hocbóng castilang man~ga artillero pauang naca-abáng sa maguiguing guló na nababalita sa panahóng ito.