United States or China ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang tugtóg nang tambor at m~ga corneta dito na minulán na hinipan baga casabáy ang ayos nang man~ga música sa tinig nang marcha ang pagcacabadyá. Dito na quinuha ang na sa Capilla apat na taan na namamatáy bagá, ang man~ga sundalo nagbihis de gala saca n~ga barilán na may bayoneta.
Hindî napanood sa gayong calaguimlaguím na pagpatay ang ama't ina at m~ga capatid ni Rizal. Binalitì na si Dr. Jose Rizal n~g abót-sicong mahigpít, at bago pinalacad na tinutugtugan n~g m~ga trompeta at m~ga redoblanteng tambor. Na sa pag-itan siya ni párì Estanislao March at ni párì José Villaclara. Na sa tabí rin niya si D. Luis Taviel de Andrade, na canyang defensor.