United States or Niger ? Vote for the TOP Country of the Week !


Si don Diego'i, sumansala yao'i, masamang acala, sa búhay na mauauala ni don Juang ating mutya. Nang ito'i, maipagturing nitong ibong nagniningning, naghalili siyang tambing balahibong icaanim. Ito'i, lalong cariquitan sa icalimang nagdaan, mahal na hari paquingán cay don Juang cahirapan. Ay ang pinagcaisahan nang dalauang tampalasan, ay umuguin ang catauan sa guitna nang caparangan.

Ano ang casasapitan nang umuguin ang catauan, hindi naman macagapang sa guitna nang cabunducan. Di anong magagauá pa nang di macaquilos siya, ang nasoc sa ala-ala tumauag sa Vírgeng Iná. Aniya'i, ó Vírgeng mahal anó cayang naisipan, manga capatid cong hirang at aco'i, pinag-liluhan. Ang boo cong ala-ala caming tatlo'i, tiuasáy na, mahusay na maquiquita mahal naming haring amá.

Si don Juan ay magaling pa hindí mahihiyá siya, at siya ang nacacuha nito ngang ibong Adarna. Ang mabuti ngayon naman ang gauin nating paraan, patayin ta si don Juan, sa guitna nang cabunducan. Si don Diego ay nag-uica iya'i, masamang acala, ang búhay ay mauaualá nang bunsóng caaua-aua. Ani don Pedro at saysay cun gayon ang carampatan, umuguin ta ang catauan at saca siya ay iuan.

Salita Ng Araw

maghimagsik

Ang iba ay Naghahanap