United States or Falkland Islands ? Vote for the TOP Country of the Week !
At sa minsang nabayaran ay nagsasama uling tiwasay ang mag-asawa at nililimot na ang bagay na yaon, at pati anak ay hindi inaaring anak sa pakikiagulò. Datapua't ang asawa n~g isang pan~gulo na magkasala n~g pakikiagulo ay nilalapatan n~g parusang kamatayan, at ang lalaking umagulo ay pinapatay kung mahuli ó kung nakataanan ay pinapagbayad n~g isang gayong halaga. =Sa Paghihiwalay n~g mag-asawa.=
Ang dating ugaling ito n~g m~ga Tagarito, ani Rizal, ay inuugali n~gayon n~g maraming lupain sa Europa, at anya'y wari lalong mabuti't matuid kay sa awáyin ang umagulo na ang kadalasang nangyayari ay siya pang nalalagay sa katua.