United States or Ethiopia ? Vote for the TOP Country of the Week !
Camaliang tunay yaong pan~gun~gusap na si Pilato ay sa Lan~git na akyat, at ang nabasahan ay librong salun~gat ó lic-ha nang budhing lubos na pan~gahas. Kinacailan~gang anomang gagauin nang tao, ay dapat munang iisipin, at sala sa Amáng lumalang sa atin at tatauanan pa nang macalilining.
Sa bagay na ito,i, ¿ano caya ang isasaloob nang isang naghihirap cun naiinis sa tauo,t, naca ririnig nang tauanan? Hindi malayong mapoot sa dami nang tauo, at mag hinala na siya,i, pinag tatauanán. At ang casasapitan ay ang na dalao sa may saquít ay siya ring nag papasaquít. At cun magca bihira,i, siya pang naca tutucsó.
May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít. Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo.
Salita Ng Araw