United States or Grenada ? Vote for the TOP Country of the Week !
Capootan ang pag bibiroan, at nang di uicaing ualang pinag aralang mahal na asal. May maquiquita ca namang bahay nang namatayán, na diyan ca maca ririnig nang pag bibiroan nang babaye,t, lalaqui; diyan mo maririnig ang pag sasalita nang catatauanan na sinasabayán nang halac hacan. ¿Ano ang gagauin mo sa man~ga tauong ganito ang asal?
May maquiquita ca naman na may bumabasa sa tabi nang panalan~gin, at may nag tatauanan sa tabi nang hihigán, nag bibiroan na anaqui baga,i, iyon ang sinadya at di ang pag tulong sa may saquít. Ano ang magagaua mo sa man~ga tauong ito, cun di ang cahabagan mo ang canilang cahan~galan at di carunun~gang maquipag capoua tauo.
Salita Ng Araw