United States or Mayotte ? Vote for the TOP Country of the Week !
Ang inyong looban ay gaya rin ng dating pinagsasadya ng mga kababatang kalapit-bahay, at nang marami ng nagkakatipon ay sinimulan ang laro. Ngayo'y patintero, mamaya'y takip-silim at bala nang maisip. Ako'y nanaog upang makihalo sa inyo; nguni't nang naroon na ako't hanapin, kita, ay wala ka.
Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at ikaw nama'y labing apat. Ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo nakikipaglaro ng tubigan ni takip-silim; hindi na tayo nagbibiruan at para tayong matatandang formal na formal kung mag-usap; datapwa't batang isip pa rin tayo, kaya't ang ating napauusapan ay panay na kamusmusan.
Ang patintero, ang takip-silim at iba pang laro na napagpaparaanan ng mga bata ng masasayang oras ay hindi na natin muling naalaala, at ang ating paguusap sa inyong looban ay nalipat sa bulwagan ng inyong tahanan. At isang gabi na kayo ng mga tatay mo'y nagpasiyal sa Sta. Cruz ay nakita ko kayo sa harap ng simbahan. Noo'y del Pilar. Maraming tao, maraming marami.
Salita Ng Araw