United States or North Korea ? Vote for the TOP Country of the Week !
Makailang araw, kami'y nagbalik; gaya rin ng aming pagalis na hindi mo namalayan, at buhat sa "azotea" ng aming bahay ay natanaw kitang nakikipaglaro ng tubigan sa ating mga kababata. Noo'y gabing maliwanag ang buwan at kayo'y nasa inyong bakuran. Agad kitang pinaroonan.
Tayo'y malalaki na; ako'y mayroon nang labing tatlong taon at ikaw nama'y labing apat. Ang ating kilos ay ibang iba na sa dati: hindi na tayo nakikipaglaro ng tubigan ni takip-silim; hindi na tayo nagbibiruan at para tayong matatandang formal na formal kung mag-usap; datapwa't batang isip pa rin tayo, kaya't ang ating napauusapan ay panay na kamusmusan.