United States or Germany ? Vote for the TOP Country of the Week !
Liniligauan co ang iyong larauan sa Macating ilog, na quinalagui-an binabacás co rin sa masayáng doon~gan, yapac n~g paá mo sa batóng tuntun~gan. Nag babalíc mandi,t, parang hinahanp dito ang panahóng masayáng lumipas na cong maliligo,i, sa tubig áagap, nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.
Sa una ay may kaunting kabaguhan, sa palimbag ni P. Sayo, ang huling talata ay ginawang "katawan sa dusa'y hininga'y natulog"; nguni't binago man ay tila kasinglasa rin ng "matamis pang lubha natuloy naquitíl ang hiningáng aba". Mga tulang inabot ng "tabsing sa dagat", mga lipad na sa kaitaasa'y inabot ng pagkahapo; opo, pagkahapo, gaya na nga nitong inyong lingkod, na nahahapo na at kinakapos; kung kaya, tinatapos na rito ang mga paliwanag na ito.