United States or Panama ? Vote for the TOP Country of the Week !
Pinag-aralan kong luman~goy sa sakit at buong lakas ko ang siyang ginamit ang iyong pan~gako sa aking pan~ganib ay siyang timbulang kawáy n~g pagibig, noon ko nalamang ang taglay kong hapis ay di magbabawa't singlawak n~g lan~git. Pinagtiisan kong labanan ang aking pasanpasang hirap at m~ga damdamin, ang kawikaan ko'y ang gabing malalim na napakasun~git ay natatapos din.
N~gayo'y naririto't muling umaawit ang iyong makatang inapi't hinapis, habang inaapi'y lalong lumalaki sa dilag mong iyan, ang aking pag-ibig pagka't ang puso ko'y singlawak n~g lan~git. =Saksi=...! Ikaw nga'y dapat kong mahalin nang labis at ukulang tan~gi n~g aking pagibig, pagka't natunayang ikaw'y isang lan~git na di dadalawin n~g m~ga pan~ganib.
Gaya n~g alam mo: kita'y iniibig n~g isang pagsintang singlawak n~g lan~git n~guni... ano't ikaw'y tila nahahapis sa pagmamahal kong wagas at malinis? ¿Nalulungkot ka ba? Di ko akalaing iyong ikalungkot ang aking paggiliw, di ko inasahang dun~gis na ituring ang pagmamahal kong may wastong layunin.
Salita Ng Araw