United States or Burundi ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nguni't hindi namin ginawa ang ganitong pagtutumpak sapagka't wala kaming ibang hangad kundi maipakilala lamang ang tunay na sipi ng lumabas noong 1861 na buháy pa ang Makata at siping sinakit na maging siya rin at walang munti mang kaibhan, pati sa kanyang mga kamalian. Wala nga kaming munti mang binago sa siping ito. Ni isa mang kuwit ay hindi inalis.