United States or Chile ? Vote for the TOP Country of the Week !
Sa laki n~g hinanakit sa kanyang hipag na sinasapantahang nagiiba n~g loob sa kanya't pumapanig sa asawa, ay ipinagbiling ni Elsa sa alilang pinagbigyan n~g sulat na si Dioni'y papasukin sandali't mayroon lamang siyang sasabihing ilang bagay na lihim.
Hinuhulaan ko na n~ga bang paririto n~gayon si mang Silveira, ang manawanawang ibinulong n~g isa sa m~ga alila sa kanyang kasama, pagkaabot kay Elsa n~g kanilang m~ga binili. Kapag naghintay ay talagang may darating ... itinugon namang lihim n~g pinagsabihan. At hindi naglipat sandali't nasarili na naman n~g makata at n~g mestisa ang loob n~g kabahayan.
Halos di naglipat sandali't dumating ang sasakyang kinuha na iginugulong n~g dalawang lalaki. Ihihilig po kayo rito, ang wika n~g masipag na nurse . Huwag na po, ang tanggi ni Tirso, ako'y lalakad na lamang.... Baka kayo mapagod na totoo.... Kaya ko na ang aking katawan. At pagkasambit nito'y marahan nang tumindig at umanyong lalakad. Akbayan mo, Elsa, ang utos n~g ale.