United States or Brazil ? Vote for the TOP Country of the Week !


¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag-mamarikit, icaw n~ga ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait! Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad icaw n~ga ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.

¡Yaong man~ga aba na saliuang-palad ikinahahambal niyang dili hamac, yaong casalanang napag-tatalastas na di pinapansin niyong man~ga sucab. Ang hindi sa palang man~ga catacsilan ay iguinaganting pinagbabayaran, sa catauan niya,t, pinahihirapan parang siyang tunay na may casalanan.

Ualang ano-ano,i, ang ásong maliit na babayeng caniyang alila,i, nadin~gig na tumatahol nang tila nananan~gis n~g cahambal-hambal na di mapag-isip. N~guni,t, hindi naman naguguniguni n~g saliuang-palad na may nangyayari, na casacunaan sa caniyang casing bunying Caballerong buhay ay naputi.

Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit n~g gumandang lalo at n~g cauilihan n~g magsisisuyo. Nang m~ga lalaki na macamamalas ¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac.

Manaca-naca ring pinag-cacaramdam ang nan~galalayong man~ga pamumuhay, sa Dios, at sila,i, tinutugtog bilang ang puso,t, ang maling gaua nila,i, lisan. Ipinauauari ang pagca-pahamac nang nabubulagang na saliuang-palad, n~guni,t, sa udyoc nang caibigang linsad nag-uaualang kibo,t, uari di talastas.

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap