United States or Dominica ? Vote for the TOP Country of the Week !
At ang ualang taglay bagang cahinhinan na nacasisira niyong calinisan, ang cay Tertulianong acala,i, sino man di mangyaring maguing malinis na turan. Gaya n~g dalagang pinipilit manding siya,i, cauilihan n~g matang titin~gin hindi calulugdan ni Cristong malasin ang nasang calugdang dito,t, panoorin.
Tanto co na icao at si Honesto hinguil sa magandang asal na ito, n~guni dito,i, siya co ring saysay at ang aquing nasa,i, siyang cauilihan nang iyong loob at panatilihan, sapagca,t, ang cahusayan nang calinisan sa asal ay salamin nang calinisan nang caloloua.
Tan~gi sa caniyang cagandahang anyo ipinabihag ang caniyang puso, sa pagmamarikit n~g gumandang lalo at n~g cauilihan n~g magsisisuyo. Nang m~ga lalaki na macamamalas ¡ay sa abang abá! n~g saliuang-palad, na uari ay hindi napagtatalastas, ang bun~ga n~g labis na m~ga pag-gayac.