United States or Norfolk Island ? Vote for the TOP Country of the Week !


Siyang pag-cahuli sa parayang pain nang cay Margaritang cabata-ang angkin, lugsong cabaita,i, hindi macapiguil bagcus nag-hihigpit nang calaguim-laguim. Binidbid ang gayong caparan~galanan nang lalaking tacsil na caugalian, nahulog sa ban~gin niyong cahalayan ang pag-mamarikit itong pakinabang.

Si Eva ang tunay na cahalimbaua na sa paglilibang na ualang bahala, sa umang na silo,i, natuntong na cusa nang lilong Demonio,t, lubos na nadaya. Ang man~ga dalaga,i, siyang caraniuan sa pag-mamarikit na nasang calugdan, nang capua tauo,i, ang cahihihatnan dinadala tuloy sa capahamacan.

Cusang uinaualang bahala na cahit talastas mang sala ang pag-mamarikit, ang capalaloa,i, pan~gahas at hilig sa pag-mamasagua niyong pananamit. Sa cay Margarita,i, siyang nag-lupaypay ang labis na lubhang caparan~galanan, sa nasang tanghaling siya at calugdan ang puring napala,i, caalipustaan.

Anopa,t, yaong caniyang cabataan ay naguing isa nang masamang hantun~gan, nang lahat nang canyang man~ga cababayan naguing parang isang sucal nang lansan~gan. Ito na ang mula nang pagcaligalig niyong pag-nanasa sa napacalabis, na sa catauan niya,i, pag-mamarikit ang turo nang Ina,i, nalimot na tikis.

¡Oh saliuang-palad, na dalagang labis na napabibihag sa pag-mamarikit, icaw n~ga ang salot na ibinubulid yaong calulua sa icalalait! Sa lahat nang bayan at man~ga Ciudad icaw n~ga ang lasong masidhing camandag, sa lubhang malabis na man~ga pag-gayac ay hindi mabilang ang nan~gapahamac.

Salita Ng Araw

mahihiyá

Ang iba ay Naghahanap