United States or Nigeria ? Vote for the TOP Country of the Week !
Nang ikaw ay di ko nakikilala pa't Ang ilan mong katha ay aking mabasa, Akala ko mandi'y isa kang poetang May sapat n~g gulang at pagkabihasa. Oo, akala ko, ikaw'y isa na rin Sa m~ga kilalang Santos, Matanglawin, Peña, Regalado, Mariano't Ben Ruben Na, inuuban na sa gayong gawain.
La princesita está bella . Ruben Dario. Ipahintulot mo, dalagang mayumi, Na ilarawan ko ang ganda mong ari, Ipahintulot mong awitin kong lagi Ang kagandahan mong makahibang-pari. Bulaan ang madlang balitang Prinsesa Kung sa ganda mo n~ga'y makahihigit pa, At para sa akin, ikaw'y siyang Reyna N~g m~ga kapwa mong masamyong sampaga.