United States or Sint Maarten ? Vote for the TOP Country of the Week !
Bago idaos ang halalan n~g m~ga magsisibuo n~g tinurang Pamahalaan ay ipinatalastas ni Bonifacio na, anoman ang kalabasan, ay kaniang igagalang. Ginawa ang halalan at ang kinalabasan ay itó: Emilio Aguinaldo, Pan~gulo; Mariano Trias, Ikalawang-pan~gulo; Pan~gulong hukbo, Artemio Ricarte; Taga-Pamatnugot n~g Digma, Emiliano Riego de Dios; at si Bonifacio ay Director del Departamento del Interior.
Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang binanggit sa una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andrés Bonifacio, Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at ang isa't isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop n~g Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang tungkol.