United States or Bahrain ? Vote for the TOP Country of the Week !
2. =Nagkaroon ba siya n~g m~ga Kapatid?= Apat: sina Ciriaco, Procopio, Petrona at Troadio. Ang dalawang una at itong huli'y patay na at ang babai ay buhay pa. Ang babaeng ito ay siyang naging asawa n~g nasirang bayaning si Teodoro Plata, isá sa m~ga masikhay na kasama ni Andrés Bonifacio.
Nagkaroon n~g m~ga kasulatan n~g pagtutol sa halalang binanggit sa una. May m~ga tutol na linagdaan nina Andrés Bonifacio, Procopio Bonifacio, Mariano Trias, Pio del Pilar, Artemio Ricarte at Severino de las Alas. Makalipas araw, ay naapula rin ang tutulan at ang isa't isa sa m~ga nahalal at sampu n~g m~ga pinunong sakop n~g Pamahalaang yaon, ay paraparang nagsisumpa n~g kanikanilang tungkol.
Sa sama n~g loob, ang ginawa ni Bonifacio at n~g dalawa niyang kapatid na sina Procopio at Ciriaco ay nilisan ang Kabite at pumatun~go sa m~ga bundok n~g San Mateo. Sila'y hinabol n~g m~ga kawal ni Aguinaldo. Napatay ang kapatid niyang si Ciriaco. Si Andrés Bonifacio ay nagkaroon n~g tatlong sugat at siya'y binihag n~g m~ga humabol sa kanila pati n~g isa niyang kapatid.
Salita Ng Araw