United States or Kuwait ? Vote for the TOP Country of the Week !


Sa dacong guitnâ'y naroroon ang isáng "pinya-pinyahang" kinatutusucan n~g m~ga panghinin~gáng marikít na lubhâ ang pagcacagawâ n~g m~ga "presidiario" sa m~ga horas n~g caniláng pagpapahin~galay. Ang m~ga panghinin~gáng itó'y may m~ga anyong "abanico," cung minsa'y catulad n~g m~ga pinagsalitsalit na m~ga bulaclac, ó isáng ibon, isáng "rosa", isáng dahon n~g anahaw, ó m~ga tanicalâ, na pinapagmulâ ang lahát n~g itó sa isáng caputol na cahoy lamang: isáng bilanggong pinarurusahan sa sapilitang pagtatrabajo ang may gawâ, isáng pan~gal na "cuchillo" ang gamit na casangcapan at ang voces n~g bastonero ang siyang nagtuturò. Sa magcabilang tabí n~g pinyang itó, na tinatawag na "palillera", nacalagáy sa m~ga cristal na "frutero" (lalagyan n~g bun~gang-cahoy) ang nacatimbóng m~ga "naranjitas" (santones ang tawag n~g iba), lansones, ates, chicos at manggá pa cung magca minsan, bagá man buwan n~g Noviembre. Sacâ sa man~ga bandeja sa ibabaw n~g m~ga papel na may burdang inukit at may m~ga pintáng makikináng na m~ga cúlay, nacahayin ang m~ga "jamong" galing Europa ó galing China, isáng malaking "pastel" na ang anyó'y "Agnus Dei," (tupang may tan~gay na banderang may nacadibujong isang cruz), ó cayá'y calapati, ang Espíritu Santo marahil, m~ga "pavo rellenado," at ibá pa; at sa casamahan n~g lahat n~g ito'y ang pangpagana sa pagcaing m~ga frasco n~g m~ga "achara" na may caayaayang m~ga dibujong gawâ sa bulaclac n~g bun~ga at ibá pang m~ga gúlay at m~ga bun~gang halaman na totoong mainam ang pagcacahiw

Bucód pa sa roon, upang makita n~g ating m~ga capit-bayang tayo'y m~ga taong walang hinayang at nagcacanlalabis sa atin ang salapî ang ipinagpatuloy ni Don Filipo, na itinaas ang voces at matúling sinulyap ang pulutóng n~g m~ga matatandâ, aking iniaanyaya: una, apat na "hermano mayor" sa dalawáng áraw na fiesta, at icalawa, ang itápon sa dagatan sa aráw áraw ang dalawáng dáang inahíng manóc na pinirito, isang daang capóng "rellenado" at limampóng lechón, gáya n~g guinagaw

Salita Ng Araw

magcaganyan

Ang iba ay Naghahanap